ICTD nagsagawa ng ceremonial turnover ng e-AMPING App kay Mayor Lorelie Geronimo Pacquiao

GENERAL SANTOS CITY, Philippines — Mas mapapabilis pa ang transaksyon sa AMPING matapos ang isinagawang turnover ceremony ng e-AMPING App kay General Santos City Mayor Lorelie Geronimo Pacquiao sa tanggapan ng AMPING nitong Lunes, October 10, 2022.

Sa pamamagitan ng e-AMPING App, magiging mabilis na ang encoding ng impormasyon ng mga kliyente dahil system generated na ang ibang impormasyon. Mabilis na ring ma-print ang mga kailangang dokumento mula sa AMPING na ibibigay sa mga kliyente nito, gaya na lang ng guarantee letter at iba pa. Agad ding malalaman sa pamamagitan ng App ang history ng transaksyon ng kliyente sa AMPING. Mas madali na rin ang report generation ng AMPING gamit ang app. Ilang click lang lalabas na agad ang kailangang report.

Naisakatuparan ang AMPING App sa pagtutulungan nina Executive Assistant Maritess Ambuang, Information and Communication Technology Division Head- Percival Pasuelo, Executive Assistant Francis Canlas at programmers ng ICTD.

Umaasa si Mayor Lorelie Geronimo Pacquiao na mas magiging episyente at systimatiko pa ang transaksyon sa AMPING. Dahil para sa alkalde, dapat na mabilis kaya hindi dapat na pinaghihintay ang kliyente dahil inaasahang lubos silang nangangailangan.

Magiging transparent na rin ang transaksyon ng AMPING dahil sa App, at matitiyak na walang kwestiyunableng transaksyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *