Gensantos.gov.ph website pinresenta ng Information and Communication Technology Division kay Mayor Lorelie Geronimo Pacquiao

GENERAL SANTOS CITY, Philippines — Pormal nang pinresenta ng Information and Communication Technology Division (ICTD) sa ilalim ng City Mayor’s office ang website ng syudad ng gensantos.gov.ph kay Mayor Lorelie Geronimo Pacquiao nitong Lunes. October 10, 2022.

May mahigit 40 subdomains ito dahil inilagay sa website ang mga balita, impormasyon, at serbisyo ng bawat Department at CMO Divisions ng LGU. Maging ang site ng Sangguniang Panlungsod ay nakapaloob na rin sa website kung saan makikita ang updates at ordinansang naipasa ng SP.

Makikita naman sa City Mayor’s Office na site ang mga update sa Gawain ni Mayor Lorelie Geronimo Pacquiao at maaari ring ma-access ang facebook page niya na Serbisyong Totoo: Tatak Pacquiao.

Isa sa special feature sa ilalim ng publication ng gensantos.gov.ph website ay ang records ng mga inilabas na Executive Orders (EOs) ni Mayor Pacquiao. Sa unang 100 days ng alkalde, mahigit sa 30 EOs na ang kanyang nailabas.

Inaasam ng ICTD na magiging gateway ng mga transaksyon at impormasyon ng Local Government Unit (LGU) ang website kapag gagamitin ito ng publiko.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *